Inilalarawan ng abiso at ng aming Patakaran sa Privacy kung paano pinapangasiwaan ng Google ang iyong data kapag nakikipag-interact ka sa labs.google/fx. Pakibasa nang mabuti ang mga ito.
Kinokolekta ng Google LLC (Google) ang iyong mga interaction sa labs.google/fx, mga output ng tool, kaugnay na impormasyon ng paggamit ng produkto, at feedback mo. Ginagamit ng Google ang data na ito, alinsunod sa aming Patakaran sa Privacy, para magbigay ng, pahusayin ang, at mag-develop ng mga produkto at serbisyo ng Google at mga teknolohiya ng machine learning, kasama ang mga produkto ng enterprise ng Google gaya ng Google Cloud.
Bilang default, sino-store ng Google ang iyong history ng labs.google/fx nang hanggang 18 buwan.
Para makatulong sa kalidad at mapahusay ang aming mga produkto (gaya ng mga model ng generative na machine learning na nagpapagana sa labs.google/fx), binabasa, ina-annotate, at pinoproseso ng mga taong tagasuri ang iyong mga interaction sa labs.google/fx at mga output ng tool. Nagsasagawa kami ng mga hakbang para maprotektahan ang iyong privacy bilang bahagi ng prosesong ito. Kabilang dito ang pagdiskonekta ng iyong mga pag-uusap, interaction, at output ng tool sa Google Account mo bago ito makita o ma-annotate ng mga tagasuri. Huwag maglagay ng kumpidensyal na impormasyon sa iyong mga pag-uusap o interaction o anumang data na ayaw mong makita ng tagasuri o magamit ng Google sa pagpapahusay ng aming mga produkto, serbisyo, at teknolohiya ng machine learning.
Kung gusto mong gamitin ang labs.google/fx nang hindi sine-save ang iyong mga interaction at output ng tool, puwede mong i-disable ang history sa https://labs.google/fx/library sa pamamagitan ng pag-off sa toggle na “I-enable ang History” sa menu. Puwede mong suriin ang iyong mga interaction at output ng tool o i-delete ang mga ito sa https://labs.google/fx/library o i-delete ang lahat ng iyong data ng library sa pamamagitan ng pagpili sa button na "I-delete ang data ng library" sa menu.
Ang mga pag-uusap na hindi nasuri o na-annotate ng mga taong tagasuri (at kaugnay na data gaya ng iyong wika o feedback) ay hindi nade-delete kapag na-delete mo ang iyong history ng labs.google/fx dahil hiwalay na pinapanatili at hindi nakakonekta sa Google Account mo ang mga ito. Sa halip, papanatilihin ang mga ito sa loob ng hanggang 18 buwan.
Kahit na naka-disable ang history ng labs.google/fx, ise-save ang iyong mga interaction at output ng tool sa account mo sa loob ng hanggang 72 oras. Nagbibigay-daan ito sa Google na ibigay ang serbisyo at magproseso ng anumang feedback. Hindi lalabas ang aktibidad na ito sa iyong library ng labs.google/fx. Matuto pa.
Kung idi-disable o ide-delete mo ang iyong history ng labs.google/fx, posibleng patuloy na mag-save ng data ang iba pang setting bilang bahagi ng iyong paggamit ng iba pang serbisyo ng Google.
Puwede kang mag-request ng pag-aalis ng content sa bisa ng aming mga patakaran o naaangkop na batas. Puwede mo ring i-export ang iyong impormasyon sa pamamagitan ng pag-email sa ai-test-kitchen-data-export@google.com
Sumangguni sa FAQ sa labs.google/fx FAQ para matuto pa.