Ang labs.google/fx ay isang lugar kung saan masusubukan at mabibigyan ng feedback ng mga tao ang ilan sa mga pinakabagong teknolohiya sa AI ng Google. Layunin naming samang-samang matuto, magpahusay, at mag-innovate sa AI sa responsableng paraan. Binubuo pa at nilalayong bigyan ng maagang feedback ang lahat. Alinsunod sa aming Mga Panuntunan sa AI, naniniwala kaming hindi nangyayari nang mag-isa ang responsableng pag-usad. Dapat naming bigyan ang mga tao ng pagkakataong masubukan nang harapan ang teknolohiya para matutunan at mapahusay namin ito.
Mahalagang Tala Kailangang 18 taong gulang pataas ka na para magamit ang Labs.google/fx at ang lahat ng tool nito (ImageFX, MusicFX, Whisk, at Flow).
Masusubukan ng mga user na 18+ na nasa mga pinaglunsaran naming bansa ang aming 3 tool: ImageFX, MusicFX, at ngayon, ang Whisk!
Makakakuha rin ang mga user ng maagang pag-access ng sneak peek sa pinakabago naming produkto para sa video - ang Flow.
Gamit ang mga tool na ito, puwede kang gumamit ng text para gawing mga larawan, musika, at mga video ang isang ideya.
Kapag ginamit mo ang mga tool na ito, harap-harapan mong mararanasan ang teknolohiyang generative AI. Tandaang may sariling hanay ng mga hamon ang teknolohiyang ito dahil posibleng hindi tumpak o hindi naaangkop ang mga sagot. Nagdagdag kami ng maraming layer ng proteksyon para mabawasan ang mga panganib na ito, pero hindi namin ganap na naalis ang mga ito.
Nagsisikap kaming maihatid ang aming mga tool sa maraming tao hangga't posible. Tingnan sa ibaba ang listahan ng mga bansa kung saan kasalukuyang available ang site sa mga user na 18+.
American Samoa, Angola, Antigua and Barbuda, Argentina, Australia, Bahamas, Barbados, Belize, Benin, Bhutan, Bolivia, Botswana, Brazil, Brunei, Burkina Faso, Burundi, Cabo Verde, Cambodia, Cameroon, Canada, Central African Republic, Chile, Christmas Island, Cocos (Keeling) Islands, Colombia, Congo-Brazzaville Republic of the Congo, Congo-Kinshasa Democratic Republic of the Congo, Cook Islands, Costa Rica, Côte d'Ivoire, Dominica, Dominican Republic, Ecuador, El Salvador, Equatorial Guinea, Eswatini, Ethiopia, Fiji, Gabon, Ghana, Grenada, Guam, Guatemala, Guinea, Guyana, Heard Island and McDonald Islands, Honduras, Jamaica, Japan, Kenya, Kiribati, Laos, Lesotho, Liberia, Madagascar, Malawi, Malaysia, Mali, Mauritius, Mexico, Micronesia, Mozambique, Namibia, Nauru, Nepal, New Zealand, Nicaragua, Niger, Nigeria, Niue, Norfolk Island, Northern Mariana Islands, Pakistan, Palau, Panama, Papua New Guinea, Paraguay, Peru, Pilipinas, Puerto Rico, Rwanda, Saint Kitts and Nevis, Saint Lucia, Saint Vincent and the Grenadines, Samoa, São Tomé and Príncipe, Senegal, Seychelles, Sierra Leone, Singapore, Solomon Islands, South Africa, South Korea, South Sudan, Sri Lanka, Tanzania, The Gambia, Tokelau, Tonga, Trinidad and Tobago, Türkiye, Tuvalu, U.K., U.S., U.S. Virgin Islands, Uganda, Uruguay, Vanuatu, Venezuela, Zambia, at Zimbabwe.
Available ang Whisk (ang pinakabago naming tool sa pagbuo ng larawan) sa lahat ng nakalistang bansa sa itaas maliban sa UK.
Available ang Flow sa mga user ng maagang pag-access sa U.S.
Tingnan sa ibaba ang listahan ng mga wika kung saan kasalukuyang available ang site.
Arabic, Bulgarian, Catalan, Chinese, Croatian, Czech, Danish, Dutch, English, Filipino, Finnish, French, German, Greek, Hebrew, Hindi, Hungarian, Italian, Japanese, Korean, Latvian, Lithuanian, Norwegian, Persian, Polish, Portuguese, Romanian, Russian, Serbian, Slovak, Slovenian, Spanish, Swedish, Thai, Turkish, Ukrainian, at Vietnamese.
Para sa pinakamahuhusay na resulta sa aming mga tool, inirerekomenda naming gumamit ng mga English na prompt. Bagama't posibleng may suporta ang ilan sa aming mga produkto sa mga prompt na isinulat sa ibang wika, posibleng maiba ang kalidad ng mabubuong output depende sa wika at pagiging kumplikado ng prompt.
Kung nalalapat ang batas sa proteksyon ng data sa United Kingdom (UK) sa pagpoproseso ng iyong impormasyon, pakibasa nang mabuti ang nasa ibaba.
Kapag ginamit mo ang labs.google/fx, pinoproseso ng Google ang iyong impormasyon para sa mga layunin, at sa mga legal na batayan, na inilarawan sa ibaba.
Kapag binabanggit namin ang “iyong impormasyon sa labs.google/fx” sa ibaba, ang ibig sabihin namin ay ang lahat ng sumusunod: (i) ang mga interaction mo sa labs.google/fx, (ii) mga output ng tool, (iii) kaugnay na impormasyon ng paggamit ng produkto; at (iv) feedback mo.
Ang mga legal na batayan ng Google ay:
Kapag nakipag-interact ka sa mga tool, kinokolekta ng Google ang iyong mga interaction, output ng tool, nauugnay na impormasyon sa paggamit ng produkto, at feedback mo.
Para sa higit pang detalye, basahin ang Patakaran sa Privacy ng Google at ang Notification ng Privacy ng labs.google/fx.
Nakakatulong sa amin ang data na ito na ibigay, pahusayin, at buuin ang mga produkto, serbisyo, at teknolohiya ng machine-learning ng Google, tulad ng mga nagpapagana sa labs.google/fx. Para sa higit pang detalye, basahin ang Patakaran sa Privacy ng Google at ang Notification ng Privacy ng labs.google/fx.
Halimbawa, sinusuri namin ang iyong feedback at ginagamit namin ito para makatulong na gawing mas ligtas ang labs.google/fx. Ginagamit din namin ito para makatulong na mabawasan ang mga karaniwang problema sa mga modelo ng generative machine learning.
Puwede mong alamin kung paano namin pinapanatiling pribado, ligtas, at secure ang iyong data sa mga prinsipyo sa privacy ng Google.
Pinapahalagahan namin ang iyong privacy, at hindi namin ibinebenta ang personal na impormasyon mo sa kahit na sino. Para makatulong na pahusayin ang labs.google/fx habang pinoprotektahan ang iyong privacy, gumagamit kami ng mga naka-automate na tool para makatulong sa pag-aalis ng impormasyong nagbibigay ng pagkakakilanlan ng user (tulad ng mga email address at numero ng telepono) sa mga interaction mo. Sinusuri ng mga sinanay na tagasuri ang mga interaction na ito at pinapanatili ang mga ito sa loob ng hanggang 18 buwan, nang hiwalay sa iyong Google Account. Basahin ang Notification ng Privacy ng labs.google/fx para matuto pa.
Kung idi-disable mo ang history ng labs.google/fx sa pamamagitan ng https://labs.google/fx/library, ang mga interaction sa hinaharap ay hindi ipapadala para sa pagsusuri ng tao o gagamitin para pahusayin ang aming mga modelo ng generative machine-learning.
Huwag maglagay ng kumpidensyal na impormasyon sa iyong mga interaction sa labs.google/fx o anumang data na ayaw mong makita ng tagasuri o magamit ng Google sa pagpapahusay ng aming mga produkto, serbisyo, at teknolohiya ng machine learning.
Gusto naming maging ligtas, masaya, at kapupulutan ng aral ang experience sa labs.google/fx. Samakatuwid, pinagbabawalan namin ang mga user na sadyang bumuo ng mga partikular na kategorya ng content.
Nagtatampok ang MusicFX at MusicFX DJ ng mga pag-iingat para protektahan ang mga boses at istilo ng artist para hindi mabuo ang ilang partikular na query na nagbabanggit ng mga partikular na artist o may vocals.
Nagtatampok ang ImageFX, Flow, at Whisk ng mga pag-iingat para protektahan ang mga menor de edad para hindi mabuo ang ilang partikular na query na posibleng humantong sa mga output na may mga bata.
Habang nagbabago ang labs.google/fx, posibleng magbago ang patakarang ito nang may limitadong abiso para makapagpanatili kami ng ligtas na experience ng user. Kung sa palagay namin ay may paulit-ulit na paglabag sa patakaran, posibleng magsuspinde ng account.